Huwebes, Enero 12, 2017

Kultura ng Persia (Iran)

Ang kultura ng bansang Persia na ngayo'y tinatawag na Iran ay isa sa pinakaluma at pinakatanyag na bansa na may maraming kilalang kultura pagdating sa Gitnang Silangan o Middle East. Ito ang may pinakamayamang pamana ng sining sa kasaysayan ng mundo at sumasaklaw ng maraming mga disiplina kabilang na ang arkitektura, pagpipinta, habi, kaligrapiya at iba pang kontemporaryong sining. Narito ang mga ilan:



Sining

      Related image

 Simpleng pamumuhay ng mga taga-Persia at sinauna o lumang gusali ang makikita dito ngunit ito'y isa sa pinakasikat na obra ni Abbas Rostamian sa larangan ng sining na umani ng maraming papuri at naging daan upang mas makilala pa si Master Abbas. Karaniwang naka base ang kanyang mga obra sa kultura ng kanyang pinagmulang bansa, ang Persia, katulad ng mga sinaunang gusali at imprastuktura.


Relihiyon

Image result for zoroastrianismo relihiyon             Image result for relihiyong zoroastrianismo
Zoroastrianismo ang relihiyon sa bansang Persia, ito'y batay sa mga katarungan ng propetang si Zoroaster. ito ay itinatag noong mga panahong bago ang ika-6 siglo BCE sa silangang bahagi ng Persia. Sinasabi sa relihiyong ito na ang kabutihan at kasamaan ay may dalawang mga natatanging pinagmumulan na ang masama ay sumusubok na wasakin ang nikiha ni Mazda (asha) at ang mabuti ay sumusubok na panatilihin ito. Sapagkat ito ay kalaunang itinuring na mababa ng relihiyong Islam mula pa sa ikapitong siglo CE.


Seremonya ng Kasal

Image result for kasal sa iran

Mayroong dalawang yugto ang tipikal na kasal sa bansang Persia. Ang unang yugto ay ang "Aghd" kung saan and dalawang bagong kasal kasama ang kanilang mga magulang ay pipirma ng 'marriage contract' ngunit ito'y ginaganap sa bahay ng babaeng asawa. Pagkatapos nito ay ang iklawang yugto naman na kilala bilang "Jashn-e Aroosi". Dito naman magaganap ang pagtanggap sa kasal o wedding reception kung saan ito'y nagtatapos mula sa ikatlo hanggang pitong araw ng reception.


 Karpet

     Image result for iranian carpet

Ito'y naging bahagi na ng kultura ng Persia. Ang mga taga-Persia ay isa sa mga taong unang naghabi ng mga karpet sa kasaysayan. Nagsimula ito bilang pangunahing pangangailangan ng mga taong tinatawag na 'nomads'. Nagsilbi itong panlatag upang ang taong gumagamit nito ay hindi malamigan sapagkat ito'y nakalatag sa sahig. Subalit sa paglipas ng panahon, ang kagandahan ng mga karpet na ito ay naging kilala at kalaunang naging pangdisenyo. Ito'y medyo may kamahalan sa ngayon ngunit patuloy pa rin ang paghahabi at pagbebenta ng mga ito.


Pagkain

Image result for iranian cuisine yogurt Image result for bread in iran

Ang mga pagkain dito ay isa sa mga sinaunang pagkain sa buong mundo. Ang tinapay na isa sa pinakaimportanteng pagkain dito sa Persia sapagkat marami kang mapagpipilian mula sa iba't ibang uri ng tinapay. Ito'y niluluto sa mga malalaking 'clay ovens o tuners'. Kasama pa dito ang iba't ibang 'dairy products' na kadalasang ginagawang sabaw ng mga taga dito.


Mga Kababaihan

 Image result for ancient persian women clothes

Simula ng rebolusyon noong 1979, ang mga kababaihan ay mayroon na ng mga oportunidad sa iba't ibang larangan. Naging malaking bahagi ng rebolusyong ito ang partisipasyon ng mga kababaihan sa mga demonstrasyon upang tuluyang iwaksi ang monarkiya. At dahil dito, nagkaroon ng tiwala sa sarili ang mga kababaihan at nagbigay ng oportunidad upang makapag-aral pa ng mas mataas na antas sa larangan ng edukasyon. Kaya naman, dahil dito nagsimula na rin silang iluklok sa iba't-ibang posisyon sa kanilang gobyerno.



Ang pagkakaroon ng kultura ng isang bansa ay nagsisilbing importanteng bahagi ng pagkakakilanlan sa isang bansa. Kaya naman, ay dapat nating pagyamanin pa ang mga kulturang meron tayo upang sa gayo'y hindi ito malimutan ng susunod pang mga henerasyon sapagkat ito'y mananatili sa ating puso at isipan.

Mga references: